Wednesday, October 6, 2010
Kris Bernal moves forward sans Aljur Abrenica in Koreana
Back to work ang young actress na si Kris Bernal matapos ang kanyang masayang one-month vacation sa U.S. kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang pagbalik ay may trabaho na agad na naghihintay sa StarStruck 4 winner, at ito ay ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na pinamagatang Koreana. Mapapanood ito sa dating timeslot ng Basahang Ginto nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, pagkatapos ng Trudis Liit.
Malaking challenge para kay Kris ang proyekto dahil kakaiba ito sa mga dati na niyang nagawa, tulad ng All My Life, The Last Prince, at Lovebug: Wish Come True. Kinailangan ngayon ni Kris na mag-aral at mag-research para magampanan nang maayos ang papel ng Korean-Filipino na si Jenna.
"Ibang culture 'yong pag-aaralan namin, so dapat maging maselan kami, sambit ni Kris nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters kagabi, October 5, sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City.
"Pinag-aralan ko language nila, tapos nagbasa din ako sa Internet nung culture nila, pati pananamit nila. Dati pa naman ako nakakapanood ng Koreanovela, so tinitingnan ko din 'yong mga character na puwede kong gayahin, 'yong mga galaw-galaw nila.
"Kinakabahan talaga ako nang bonggang-bongga dahil ito 'yong unang show ko na wala si Aljur [Abrenica] at bago 'yong mga ka-love team ko," sabi ni Kris.
Magsisilbing leading men ni Kris sa Koreana ang StarStruck V finalists na sina Rocco Nacino at Steven Silva.
Kasama rin sa programa sina Eddie Garcia, Eula Valdes, Lotlot de Leon, Angelu de Leon, Marco Morales, Saab Magalona, Sylvia Sanchez, Joyce Ching, Luigi Revilla, Dinky Doo, at Grace Lee.
LIFE AFTER ALJUR. Nauna nang sinabi ni Kris na kinakabahan siya dahil sa unang pagkakataon ay mapapanood siya sa isang drama series na hindi kasama ang perennial screen partner niyang si Aljur Abrenica.
Kung iisipin ay hindi naman ito ang unang programa na lalabasan ni Kris without Aljur. Nito lang Hunyo ay itinambal si Kris sa Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga sa "Wish Come True" episode ng Sunday afternoon romance-drama Lovebug.
Pero iba pa rin siyempre ang Koreana sa Lovebug dahil may element of heavy drama ang una, bukod pa sa araw-araw itong mapapanood. Kaya mas malaking pressure ang nararamdaman ngayon ng 21-year-old actress.
Speaking of Aljur, nilinaw na rin ni Kris na wala namang naging alitan sa kanila ng dating ka-love team. Matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap ngunit hindi naman ito nangangahulugan na hindi sila magkasundo.
"Kung makikita ko si Aljur ngayon, talagang yayakapin ko siya," nakangiting pahayag ni Kris. "Kasi ang tagal na talaga naming hindi nagkikita and nami-miss ko din siya siyempre."
Marami ang naguluhan noon kung ano nga ba talaga ang tunay na estado nila outside of their love team. Bagamat sinasabi kasi nila na sobrang malapit sila sa isa't isa ay kung kani-kaninong young actresses nali-link si Aljur.
Lumabas pa nga ang balita na tuloy pa rin ang relasyon ni Aljur at ng nabalitang kasintahan nito na si Rich Asuncion sa gitna ng pagsasabi ng binata na espesyal si Kris sa kanyang puso.
Kagabi ay naging very open naman si Kris sa pagsagot tungkol sa nakaraan nila ng hunky young actor.
"Hindi naman namin inamin ni Aljur na totoong naging kami. Pero totoong nanligaw siya. Pero 'yon nga, hindi niya itinuloy kasi nga natakot kami na baka makagulo sa love team namin and sa trabaho. So, okay na ganun na lang muna," sabi ni Kris.
Paano ba niya ilalarawan sa salita ang dating namagitan sa kanila ni Aljur?
"MU [mutual understanding] lang, ganun," sagot ng batang aktres. "Hindi ko naman siya binasted kasi naintindihan niya rin naman 'yong paliwanag ko sa kanya.
"Sabi ko po sa kanya na pag na-in love kasi ako, nakakalimutan ko 'yong trabaho ko. So, sabi ko, huwag muna ngayon kasi gusto ko pang abutin 'yong pinakamataas na peak ng career ko. Sabi ko, next time na natin intindihin 'yan."
ROCCO OR JAY? Napangiti lamang si Kris nang ipaalam namin sa kanya na kabilang siya sa mga showbiz crushes ni Rocco Nacino, na isa sa mga katambal niya sa Koreana.
Sa isang separate interview ay pinanindigan naman ni Rocco ang kanyang naunang pag-amin. Matagal na raw niyang crush si Kris at gustung-gusto niya ang mata at pagiging "sweet-looking" ng aktres.
Kung si Kris naman ang tatanungin, "cute" daw si Rocco at mabait daw ito sa kanya tuwing nasa set sila. Niloloko nga raw sila ng mga kasamahan sa trabaho na malaki ang posibilidad na may mabuong magandang pagtitinginan sila pagtapos ng serye.
"Si Rocco, sa totoo lang, naaaliw ako sa kanya kasi ang bait-bait niya, tapos makulit siya. Ang bilis kong maging kumportable sa kanya... Minsan nga napapaisip ako kung type nga ba ako nito o hindi," sabi ni Kris.
Kung sakali ngang maisipan ni Rocco na manligaw kay Kris ay hindi rin naman makakasiguro ang binata kung may positibong ibubunga ang kanyang pagpaparamdam.
Malakas pa rin kasi ang usap-usapan na may boyfriend na si Kris, at ito ay walang iba kundi ang singer na si Jay Perillo, na napapanood sa mga programang Comedy Bar at Party Pilipinas. Matatandaang lalong umugong ang balita matapos na may makakita sa picture ni Jay set as wallpaper sa cell phone ni Kris.
At kung dati ay todo-deny si Kris every time na tanungin siya tungkol sa closeness nila ni Jay, iba na ngayon ang tono ng dalaga nang muling mapag-usapan ang singer.
"Malapit talaga sa akin si Jay," pag-amin ni Kris. "Siguro dahil pinaparamdam niya sa akin na special ako.
Masasabi ba niya ngayon nang diretsahan na mahalaga sa buhay niya si Jay?
"Oo, importante rin siya sa akin," pag-amin ni Kris. "Mabait siya, sobrang bait niya sa akin... Hindi ko naman sinasabi na boyfriend ko na siya, pero siguro nandun kami sa stage na nagkakaintindihan kami."
Kung sinasabi niya na "importante" sa kanya si Jay, puwede na rin bang sabihin na boyfriend-girlfriend na ang kanilang estado sa kasalukuyan?
"Hindi naman po sa taken," mabilis na sagot ni Kris. "Pero ngayon po, tumatanggap ako ng manliligaw. At saka kung ngayon, kung tatanungin ako sa love life ko ngayon, masaya po ako."
Labels:
koreana,
kris bernal,
pinoy tv
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment